

Ito ay ang unang kong paglahok sa Litratong Pinoy. Ako ay natutuwa noong nakita ko ang tema para sa linggong ito – Dalampasigan.
Kami ng aking pamilya ay mahilig mamasyal sa tabing dagat. Kami ay nagpupunta sa labas ng Maynila para magbakasyon. Ang larawang ito ay kuha sa dalampasigan ng Bohol habang ang aking anak ay tuwang tuwa sa paglalaro sa dagat.
Ang Bohol ay isa sa aming paboritong puntahan. Halos taon taon kami ay nandito para magbakasyon. Ang kagandahan sa Bohol ay isa syang tahimik na lugra, hindi matao at walang gaanong turista kaya sigurado ka na ikaw ay makakapag pahinga ng maayos.
(This is my first time to join Litratong Pinoy. I am so glad when I learned that the theme for this week is “Dalampasigan”
My family loves going to the beach. We often travel outside Manila for a vacation. These pictures where taken at Bohol beach while my daughter was having fun playing.
Bohol is one of our favorite vacation spots. Almost every year we go here for a vacation. What we like about Bohol is that it is not crowded and there is not much tourist so we are always guaranteed to have a relaxing vacation there).







































